‘OFW-ban’ sa HK, pinaghahandaan na

MAY NAKAHANDA na umanong mga “alternative markets” ang pamahalaan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na posibleng maapektuhan sa isinusulong na “OFW-ban” sa Hong Kong.

Tiniyak ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga kababayan sakaling maaprubahan ang kontrobersiyal na panukala ng isang political party sa naturang bansa.

Una na ring umalma ang Department of Foreign Affairs sa nasabing hakbang laban sa mga OFW.

Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez na hindi aniya makatarungan na gagamiting “hostage” ng Hong Kong ang mga manggagawang Pinoy para sa kanilang demand na apology ng Philippine government sa nangya-ring Manila hostage-taking incident.

Matatandaan na sa nabanggit na insidente noong 2010, walong Hong Kong nationals ang nasawi.

“Let us de-link the issue from the Filipino workers in Hong Kong whose dedication to their work and high skills set have contributed to the society and economy of Hong Kong,” ayon kay Hernandez.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 160,00 Filipino domestic workers ang naka-base sa naturang special administrative region.

Samantala, tiniyak rin ni Asec. Hernandez na patuloy na nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa Hong Kong para mapahupa ang sitwasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.