Obrerong naka-motorsiklo, binaril ng naka-motorsiklo rin

AGARANG KAMATAYAN ANG sinapit ng isang factory worker nang barilin sa ulo ng isang hindi nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo habang ang biktima ay sakay naman ng kanyang motorbike sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay sa pinangyarihan ng insidente ay si Michael Angelo Canso, 27, binata, factory worker at residente ng #1297 Sampaguita St., Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ni PO2 Reynaldo A. Placido, may hawak ng kaso, dakong alas 9:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Malaria Road.

Nabatid, habang binabagtas ng biktima ang nasabing lugar sakay ng kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang hindi nakikilalang suspek mula sa likurang bahagi ng biktima na sakay rin ng motorsiklo na may plakang XD-457.

Walang sabi-sabing dalawang ulit na pinaputukan ng baril ng huli ang biktima na tinamaan sa ulo na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Matapos nito ay mabilis na tumakas ang hindi nakikilalang suspek kung saan ito ngayon ay pinaghahanap ng mga otoridad.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.