Obrero, Todas sa Pamamaril; 1 pa Sugatan

KAHIT MAY umiiral na gun ban, isa na naman ang agad binawian ng buhay, habang sugatan naman ang menor de edad na back ride nito makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na armado ng maikling kalibre ng baril sa Brgy. Caingin, San Rafael, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Bulacan PNP OIC P/Sr. Supt  Joel Orduna, kinilala ang nasawing biktima na si Jelo dela Torre, 46 anyos, trabahador ng See Hok Company sa Brgy. Coral na Bato; habang ginagamot naman sa Bulacan Medical Center si Ronnie Tadeo, 17 anyos, na nagtamo ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, ganap na alas-8 ng gabi nang mag- log-out ang biktima sa pinapasukan nitong kumpanya, lulan ng isang motorsiklo.

Nabatid na isang tauhan ng Del Posino Resort na si Johans ang nakakita sa mga biktima na nasa ma-damong bahagi ilang metro ang layo mula sa resort, na mga nakahandusay at kapwa sugatan.

Kung saan agad itong nag-report sa mga pulis at ikinuwento ang kanyang mga nakita sa lugar. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar.

Kaugnay nito’y blangko ang mga pulis, kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng naturang pamamaril.

(TONY DELA PEÑA)  

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.