Obrero, tinuksong bading; nang-rape

PINAGSAMANTALAHAN AT sinaktan ng isang construction worker ang kapit-bahay niyang estudyante, matapos siyang mapikon nang tuksuhin siya nitong bading sa Caloocan City, kamakailan.

Bukol sa ulo at mga pasa sa mukha ang dala ng 19-anyos na dalaga nang dumulog sa pulisya para ireklamo ang suspek na si Raul Batbula, 36, tubong Aklan.

Base sa kuwento ng biktima sa Women’s and Children’s Concern Desk (WCCD) ng Caloocan City Police, bandang alas-8:00 ng gabi, nag-iinuman sila ng kanyang mga kaibigang mga babae nang mapadaan ang salarin.

Inalok ng tagay ng biktima ang suspek, pero hindi ito nagpaunlak kaya tinukso niya itong bakla.

Nagtawanan ang mga kainuman ng dalaga, pero hindi ito pinansin ni Batbula, na dumiretso ng uwi.

Makalipas ang ilang sandali, natapos ang inuman ng grupo ng dalaga at kumatok ito sa bahay ng suspek.

Biniro pa ng biktima si Batbula na mag-ingat dahil nag-iisa lang ito sa bahay at baka raw gahasain ng mga lalaki dahil bakla ito.

Pag-alis ng mga kainuman, kinaladkad ng salarin ang dalaga, at ipinasok sa bahay.

Nagpipiglas ang dalaga kaya iniuntog ni Batbula ang ulo nito sa dingding hanggang sa mawalan ng malay at saka ginawa ang kamunduhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.