Obrero, pinagsasaksak ng kaaway, kritikal

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang obrero makaraang pagsasaksakin ito ng dating kaalitan nang magsalubong ang landas ng mga ito habang ang una ay pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), sanhi ng tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jimmy Rivera, 30, ng Blk. 9, Lot 51, Phase A-3, Longos, Malabon City.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Joel Abellana, aka Jongjong, nasa hustong gulang, ng Blk. 12, Longos, Malabon City, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Hiwas St., Longos, Malabon.

Naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ng makasalubong nito ang suspek at agad itong sinalubong ng magkakasunod na saksak saka tumakas sa di-malamang direksyon.

Sa kabila ng mga tinamong tama ng mga saksak sa katawan, nagawa pang makarating ng biktima sa kanilang bahay upang humingi ng tulong at nagpadala sa nasabing pagamutan.

Habang sinusulat ang ulat na ito ay nasa malubhang kalagayan ang biktima.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.