Obrero, patay sa magkapatid

TODAS ANG ISANG obrero makaraang pagtulungan itong paslangin ng magkapatid matapos ang isang pagtatalo habang ang mga ito’y nag-iinuman kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ang biktima na hindi na umabot pang buhay sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City sanhi ng tinamong tama ng saksak ng patalim at tama ng bala ng sumpak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ronald Ellaga, 32, construction worker, tubong-Du-maguete, ng Rivera St., Brgy. 160, Baesa, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang magkapatid na suspek na sina Buboy at Penpen Laguerta, kapwa nasa hustong gulang at kalugar ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ang insidente, kainuman ng biktima ang magkapatid na suspek sa bahay ng mga ito na nauwi sa mai-nitang pagtatalo. At para hindi na humaba pa ang usapin, minabuti na lamang ni Ellaga na umuwi sa kanyang bahay.

Subalit, lingid sa kaalaman nito na sinundan siya ng magkapatid na armado ng sumpak at patalim. Bago pa man makapasok ng bahay ang biktima ay agad itong binaril ng dalang sumpak ni Buboy habang sinaksak naman ito ni Penpen.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa ‘di malamang direksyon habang dinala naman sa naturang pagamutan ang biktima subalit nalagutan na rin ito ng hininga.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima at sa agarang ikadarakip ng mga ito para papanagutin sa nagawang krimen.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.