Obrero, patay dahil sa pares ng tsinelas

ISANG PARES NG tsinelas ang naging mitsa ng buhay ng isang factory worker nang barilin ito ng kanyang kasamahan sa inuupahang bahay matapos ang isang mainitang pagtatalo kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktimang hindi u-mabot nang buhay sa Valenzuela Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa dib dib ay nakilalang si Felvin Mulle, 33, may-asawa, factory worker at residente ng # 729 Gen. Luis St., Brgy. Kaybiga ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tumakas ang suspek na si Richard Angoy, nasa hustong gulang, security guard at naninirahan sa Malinis St. Lawang Bato, Valenzuela City.

Base sa isinagawang im-bestigasyon ni PO2 Ryan Rodriguez, may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng umaga kamakalawa nang maganap ang nasabing insidente sa inuupahan nilang bahay sa # 720, Gen. Luis St., Brgy. 166.

Bago umano maganap ang insidente, ang biktima at ang suspek ay nagkaroon umano ng pagpapalitan ng hindi magagandang salita nang makita ng una ang kanyang tsinelas na suot ng suspek na ginamit ng huli nang wala umanong paalam.

Habang nasa kainitang ng pagtatalo ay kinuha ng huli ang kanyang baril at agad na pinutukan ng isang beses ang biktima na tinamaan sa gitnang bahagi ng dibdib at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Dali-dali namang dinala ng kanyang kasambahay ang biktima sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang biktima.

Nagsasagawa naman ngayon ang pulisya ng manhunt operation laban sa suspek para sa madaliang ikadarakip ng salarin.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.