Obrero, Patay; 6 Pa, Malubha sa Kuryente

PATAY ANG isang laborer habang kritikal naman ang anim na kasamahan nito nang aksidenteng

makuryente sa pinagtatrabahuhang warehouse kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng malakas na boltaheng pumasok sa katawan ang biktimang si Larry Ortega, 23, ng Quezon City.

Ginagamot naman sa Valenzuela Medical Center sina Jonathan Valenzuela, 32, ng Sisa Ext., Tinajeros, Malabon City; Jimmy Monares, 53, ng Acacia, Malabon; Basilio Sedorio, 32, ng Awason Basod, Quezon City; Noli Patag, 22; at dalawa pang hindi nakuha ang pangalan, pawang construction worker.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa Morehouse Manufacturing na matatagpaun sa No. 6093 Cowloon Comp., Tatalon, Ugong, Valenzuela City.

Kasalukuyang abala sa pagtatrabaho ang mga biktima sa loob ng nasabing warehose nang aksidenteng madikit sa livewire ng Meralco na nakabit sa transmission ang mga dala-dalang bakal ng mga ito.

Dahil dito, nangisay ang mga biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Ortega habang agad namang isinugod ng kanilang mga kasamahan ang iba pa sa naturang pagamutan.

Nagsasagawa na im-bestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.