Obrero Kulong sa Boga

SWAK SA KULUNGAN ang isang obrero matapos itong mahulihan ng home-made shotgun o sumpak na ipinagmayabang ng una sa kanyang kapitbahay kahapon ng umaga sa Caloocacan City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Caloocan police ang suspek na si Dante Nuevo, 33, may-asawa ng Phase-1, Package 4, Blk. 63, Lot. 9, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa labas ng kanilang bahay habang ipinagyayabang ang dalang sumpak.

Sa takot ng mga kapitbahay ni Nuevo na maghuramentado ito at iputok ang bitbit na sumpak ay agad itong isinumbong sa pulisya.

Na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at dinala sa nasabing himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms o R.A 8294 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.