Obrero, kalaboso sa finger trip

SWAK SA KULUNGAN ang isang obrero makaraang molestiyahin ang isang siyam na taong gulang na batang babae sa bayan ng Gumaca sa Quezon.

Kinilala ni PO1 Girlie Paloma ng Gumaca Municipal Police Station ang inarestong si Menard Marquez Ceresa alyas Boy Maniac, 20 anyos, binata at nakatira sa Sitio Salvacion, Brgy. Buensuceso, Gumaca Quezon.

Ayon kay Paloma, nagtungo sa kanilang himpilan ang mga magulang ng biktimang itinago sa pangalang “Nene”, Grade 4 student at nakatira sa Barangay Rosario sa nasabing bayan upang ireklamo ang kalaswaang ginawa ni Ceresa.

Sa salaysay ni Nene sa harap ng kanyang amang si Anthony Forbes, Barangay Tanod Leonardo Rifareal at ng saksing si Mariel Petremetre, 12, anyos, nakikipaglaro siya kamakalawa ng alas-2 ng hapon sa harap ng kanilang bahay nang dumating si Cereza.

Inilbas umano ni Cereza ang kanyang panyo at inayang maglaro ng “piring-piringan” ang dalawa subalit tumanggi ang mga ito.

Nang magsialis ang iba pang kalaro ay bigla na lang umanong tinakpan ni Cereza ang bibig ni Nene saka inalis ang short nito at hinimas ang maselang parte ng bata. Ang pangyayari ay nasaksihan ni Petremetre na nagulat sa pangyayari.

Nang matanggal ang takip ng bibig ni Nene ay nagsisigaw ito na naging hudyat para tumakas si Cereza.

Gayunman, agad nagsumbong sa kanyang magulang si Nene hanggang sa magpatulong sa mga barangay tanod na dakpin ang suspek.

Kasong Child Abuse ang kinakaharap ni Cereza na ngayon ay nakakulong sa Quezon Provincial Jail.   (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.