Obrero, dedo sa yelo

DEAD ON arrival ang isang obrero matapos mabagsakan ng apat na bloke ng yelo habang nagtatrabaho sa isang ice plant sa Brgy. Calumpang, General Santos City.

Sa ulat ng General Santos City PNP, ang biktima ay kinilalang si Quero Salim, 35 anyos, residente ng Balunto, Brgy. Labangal.

Nagtatrabaho umano ang biktima sa loob ng planta nang aksidenteng mabagsakan ng apat na bloke ng yelo sanhi upang ito’y matumba at nawalan ng malay.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara ng attending physician na dead on arrival.

Ang pagkabagok sa ulo ng biktima ang naging sanhi ng kamatayan nito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.