Obrero, binaril na sinaksak pa

PATAY ANG ISANG obrero matapos itong barilin at saksakin ng tatlong hindi kilalang kalalakihan na nakatalo ng una na humarang sa kanilang daraanan pauwi kasama ang kanyang pinsan at isa pang babae sa Malabon City iniulat kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the spot sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tinamong tama ng bala ng 12-gauge home-made shotgun at saksak sa katawan ay nakilalang si Jumar dela Cruz, 32 ng Phase 5, Paradise Village, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan sa tatlong suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 3:10 ng madaling-araw sa kahabaan ng Phase 5, Paradise Village, Letre, Brgy. Tonsuya.

Naglalakad ang biktima sa natu-rang lugar kasama ang kanyang pinsang si Romulo Melca at isa pa nitong kaibigan na si Glenda Cervantes nang bigla na lamang harangin ng tatlong kalalakihan.

Sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lamang nagtalo ang biktima at ang mga suspek hanggang sa bigla na lamang binunot ng isa sa mga ito ang dalang home-made shotgun at ipinutok kay dela Cruz na tinamaan sa mukha at leeg. Hindi pa nakuntento ang mga suspek, sinaksak pa ang biktima.

At nang malamang wala nang buhay si Dela Cruz ay mabilis na nagsitakas ang mga ito sa ‘di malamang direksiyon.                      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.