Object of destruction: Vice Ganda is having attitude problem?!

 

OLA CHIKKA NOW na! Thanks God it’s Friday! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka na nakawiwindang talaga!

Ayaw kasi akong tanta-nan ng mga fans ni Vice Ganda at lagi akong hinihingian ng comment na nega kay Vice. Balak nga talaga nila kaming pag-awayin, dahil sabi ng mga fans ni Vice ay insecure daw ako kay Vice Ganda! Hahaha!

Hoy, FYI… hindi pa na-bubuhay ang kaiinsekyuran ko, dahil matagal na ako sa industriya at nakamit ko na rin ang kasikatan. Kaya kahit ano pa ang sabihin n’yo, hindi talaga kami mag-aaway ni Vice Ganda, dahil talagang in na in siya ngayon. At pagbigyan natin siya, dahil nararapat din naman niyang makamit ang kasikatan, ‘di ba?

Kaya kung ako kay Vice Ganda, payong nakatatanda sa kanya, huwag sanang lumaki ang ulo niya at pagbutihan niya ang trabaho niya, dahil marami nga rin ang nagsasabi na lumalaki na talaga ang ulo ni Vice Ganda. Pak!

 

NALOLOKA NAMAN AKO rito kay Robin Padilla na talaga namang ini-endorso nga niya ang condom, ‘di ba? Pero may tanong ako: eh, ‘di ba Muslim siya? Ano kaya ang rules nito? Naniniwala ba siya sa RH Bill?

Heto nga ang chikka, nag-eendorso siya ng condom, pero ilan ang anak niya sa una niyang asawa… at I’m sure, dapat malaman din natin ang eksena niya kung ano ba talaga ang eksena ‘pag Muslim…

SPEAKING OF RH Bill, noong nakaraang linggo ay naisulat ko ang pakikipag-awayan nina Jinkee at Manny Pacquiao vs Sen. Miriam Defensor-Santiago, na talaga namang nag-iinit sila sa galit at ayaw nilang magpaawat. Pati si Mommy Dionesia nga ay nasali na sa away, at ang mga madlang pipol ay nakikisali na rin ngayon.

Sasabihin lang ni Sen. Santiago na BIRO lang daw ‘yun?

Ano naman ang mase-sey mo rito? Kailangan pang magbiruan sila nang ganu’n? Dapat nga nilang seryosohin ‘yan at ipakita nila sa madlang pipol na concern talaga sila at hindi dapat nila ipinapakita sa public industry na magbibiruan sila. Kasi nga, pareho silang kinatawan ng mga Pilipino sa Kongreso, at matataas ang posisyon na hawak nila.

Hay, naku nga naman! Ang mga Pilipino nga naman…

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong hunk actor na ‘to na talagang sumisikat noon at nagkaroon talaga siya ng more project na talaga namang napabalita rin noon na may B.O?! Hahaha! As in amoy-Shawarma nga ito!

Pero ‘eto naman, mukhang magbabalik ulit siya sa showbiz dahil nga noong nag-taping sila noong nakaraang linggo para sa isang show, nakakita ito ng ipis at super sigaw raw ito!

Ay, hindi pala sumigaw, kundi tumili ang hunk actor, at mas malala pa raw ito sa tili ko! Nakakaloka, ibig sabihin, may malansang amoy itong si hunk actor! Ay, sino ‘yan?!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Object of destruction: Vice Ganda is having attitude problem?!

  1. Pingback: Object of destruction: Vice Ganda is having attitude problem?! | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos

  2. Si Carlos Agassi ba yan? amoy shawarma daw eh. di ba napabalita na nga noon na bading yan? magladlad na kasi

Leave a Reply

Your email address will not be published.