Obispo, umalma: CIDG ang protector, grupo ni PD Recaforte ang management JUETENG SA PANGASINAN, MULING UMALAGWA

UMALMA ANG MARAMING religious at civic organizations sa lalawigan ng Pangasinan sa muling pagsulpot ng iligal na sugal sa lalawigan na pinaniniwalaang pinatatakbo ng umano’y mismong grupo ng lokal na kapulisan na kasabwat ang ilang tiwaling opisyales ng CIDG sa Camp Crame.

“Jueteng na binihisan lang ng STL ang muling umarangkada sa buong Pangasinan at nakababahala kasi may beripikadong ulat na sangkot ang hepe ng kapulisan sa probinsiya at CIDG officials sa pagbibigay ng proteksiyon sa iligal na sugal na tinawag nilang istayl-gerilya,” pahayag sa Pinoy Parazzi ng isang relihiyosong alkalde sa lalawigan.

Ayon sa alkalde, isinumbong na nila sa simbahan ang muling pagsulpot ng nasabing jueteng “kasi pinagmumukha nilang tanga sina Bishop Cruz at maging ang kasalukuyang Obispo na si Socrates Villegas sa dahilang kahit sa harap ng mga simbahan ay may kubrador na nagpapataya at nilalait pa umano ang pagsalungat ng kaparian sa mga iligal na sugal.”

Sinabi ng alkalde na dapat magpaliwanag si PNP Provincial Director Boyet Recaforte sa ulat na umano’y siya mismo ang over-all management ng guerrilla-style ng nanumbalik na jueteng operations sa buong lalawigan ng Pangasinan.

“Dapat ding paimbestigahan umano ng Camp Crame ang ulat na isang Alyas Wilson Killala ang umaareglo sa proteksiyon money para umano sa mga opisyal ng PNP headquarters, partikular ang CIDG,” pahayag pa ng nasabing alkalde.

Isang kinilalang Alyas Salvador naman ang binanggit ng nagsusumbong na mayor na umaayuda umano sa mga operator ng jueteng para makalikom ng pangsuhol umano sa ibang opisyales ng gobyerno at linlangin sina Bishop Cruz at Bishop Villegas na ligal at STL collectors ang naglilipana sa lalawigan, maging sa gilid-gilid ng mga simbahan at mga opisina ng gobyerno.

Ang mga sumusunod ang kinilala ng nagrereklamong alkalde na umano’y nasa likod ng muling pagsulpot ng jueteng sa Pangasinan: Marlon Nuarin sa mga bayan ng Umingan at Asingan; Adolfo Fernandez sa Sta. Barbara at Calasiao; Bong Cayabyab sa Lungsod ng San Carlos; Alyas Teddy S sa Mapandan; at Aguilar at isang Alyas Sison sa Orbistondo, Mangatarem at Basista.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.