Obispo: smugglers at gobyerno, may sabwatan

NANINIWALA ANG isang obispo ng Simbahang Katolika na may sabwatan ang gob-yerno at mga smugglers kaya’t lumalala ang rice smuggling sa Pilipinas.

Sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo na may nagaganap na kuntsabahan sa ilang opisyal ng gobyerno lalo na sa rice smuggling dahil nakakalusot ang tone-toneladang smuggled na bigas.

Ayon pa kay Bishop Pabillo, nakapagtataka umano na nakakalusot at hindi naaaresto ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Coastguard (PCG), Philippine Navy (PN) at mga food officials ang mga pinuslit na bigas sa mga pantalan.

Dahil umano sa laganap na smuggling, naaapektuhan ang mga magsasaka dahil nagiging mura ang bentahan ng kanilang produktong palay.

Hinggil dito, umapela si Bishop Pabillo kay Pangulong Noynoy Aquino III na maging seryoso sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (Carper) sa harap na rin ng lumalalang rice smuggling sa bansa na higit na nakaaapekto sa mga maliliit na magsasaka.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Obispo: smugglers at gobyerno, may sabwatan

  1. alam nyo ang mga pare sa pinas mga epokrito bakit di sila ang tumulong sa governo instead sisiraan pa nila kahit sino pa nasa gobyerno sinisiraan nila bakit instead na pajero or luxury car ang sakyan nila bakit ayaw nila ibigay yan sa mga mahihirap ang kahit nakatsinalas lang nagbibigay pa rin sa simbahan alam natin lahat na simbahan is a business yan sa totoo lang sino ba ang may ari ng mga magagandang private school sa bansa di ba pagmay ari ng pare yan at simbahan magaling silang mag manipula sa mga tao iba na ang tao ngayon gising na di na pwede nilang diktahan ok

Leave a Reply

Your email address will not be published.