Obispo: Bawasan ang panonood ng teleserye

HINIMOK NG isang obispo ang mga mamamayan na bawasan ng 15 minuto ang araw-araw na panonood ng teleserye o telenobela, at sa halip ay ilaan ito sa pagdarasal ng Rosaryo.

“Since we can do it, let’s shorten our telenovela time a bit, just 15 minutes. Let’s use the 15 minutes to pray the rosary in our homes,” ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani.

Inihayag ni Bacani na hindi naman makasasama ang pagbabawas ng oras sa panonood ng teleserye at sa halip ay makabubuti pa nga ito sa lahat, aniya.

Naobserbahan din ng Obispo na kung paanong walang tigil ang mga telenobela sa telebisyon dahil sa walang hanggang mga patalastas na ang layunin lamang ay kumita ng pera.

Samantala, aniya, ang pagdarasal ng Rosaryo ay nangangahulugan ng pagbuo ng kapayapaan sa pang-araw-araw na buhay.

Sinabi pa ni Bacani na bunsod ng iba’t ibang global crisis situation sa iba’t ibang bansa, kabi-lang na ang mga pangyayari sa Zamboanga City, sa Afghanistan at sa Syria, ay mahalagang kilalanin ng lahat ang kapayapaan bilang kaloob ng Diyos sa tao.

Samantala, idinagdag din ng obispo na ang panalangin ay paraan ng paghingi at pagtanggap ng kapayapaan, na ang makapagbibigay lamang ay ang Diyos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.