Obama, Dadalaw sa ‘Pinas

BIBISITA SA Pilipinas si US President Barack Obama matapos tanggapin ang imbitasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III .

Ayon sa White House, tutungo sa Maynila ang pangulo ng Amerika sa Oktubre 11 at 12.

Ito ang huling bahagi ng itinerary ni Obama para sa regional summits sa Indonesia, Brunei at Malaysia, bukod pa sa Pilipinas, mula Oktubre 6 hanggang 12.

Makikipagpulong siya sa Pangulong Aquino para pagtibayin ang relasyon ng Amerika at Pilipinas, partikular sa ekonomiya at seguridad.

Ikinatuwa naman ni Philippine Ambassador to the US Jose Cuisia Jr. ang anunsyo hinggil sa pagbisita ni Obama.

“The visit is very important as this will underscore President Obama’s regard for President Aquino’s leadership, and it will enable him to witness the results of the economic transfer of nations that have been engendered by President Aquino’s leadership and commitment to good governance,” pahayag ni Cuisia.

Kinumpirma na rin ng Palasyo ang pagbisita ng lider ng Amerika.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, “President Obama will meet President Aquino to discuss ways to further strengthen the enduring Philippines-U.S. alliance, including the expansion of our security, economic, and people-to-people ties.”

Samantala, nagbanta ang mga militante ng malawakang kilos-protesta sa pagtapak ni Obama sa bansa.

Maaalala na ang pagpunta ni Obama sa Pilipinas ang ika-walong pagbisita ng US president.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.