Obama, bibisita sa bansa

MULING IKINASA ni United States President Barack Obama ang pagbisita sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya sa Abril.

Matapos maudlot noong Oktubre dahil sa government shutdown, inanunsyo ng White House na mu-ling pinlano ng pangulo ng Amerika ang pagpunta sa Japan, South Korea, Malaysia at Pilipinas.

Pakay ni Obama sa nasabing biyahe na mapagtibay ang “ongoing commitment to increase US diplomatic, economic and security engagement with countries in the Asia-Pacific region,” base sa statement ng White House.

Makikipagpulong ang nasabing presidente kina Japanese Prime Minister Shinzo Abe, South Korean President Park Geun-hye, Malaysian Prime Minister Najib Razak at Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Base sa itinerary na lumabas sa Australia Network News, unang pupuntahan ni Obama ang Japan saka tutungo sa Seoul at Kuala Lumpur at pinakahuli sa Asia tour ang Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.