Nyoy Volante’s concert, packed with many guest performers!

AS EXPECTED, SUCCESSFUL ang concert ni Nyoy Volante sa Zirkoh, Tomas Morato last Saturday with Jovit Baldivino, Laarni Lozada, K-La and special guests Marc Cu-bales, MJ Ringor, Zyrus Imperial, Josh Limon and The Amazing Dancing Diva, Ms. Cynthia Sol sa direksiyon ni George Vail Kabristante.

Surprisingly, sa opening number, hindi nagpatalbog ang baguhang rock idol na si Marc. Bigay-todo itong nag-perform with his band na ikinagulat ng manonood. First time kasing umawit ito on-stage at kapansin-pansin ding ilang beses na pagpapalit ng outfit si Marc na creation ng top fashion designer na si Armando Fabia na bumagay sa kanyang oozing sex appeal, say mo?

Outstanding din ang performance ni MJ nang awitin nito ang theme song ng Tarima, ang “Napapagod Din Ang Puso” na sinundan ng “Be My Lady” at “Sway” ni Michael Buble song. Nang gabing ‘yun, hindi naitago ng singer/businessman na matagal na pala niyang crush si K-La mula nang magsimula ang Star Power ni Sharon Cuneta.

Agaw-eksena ang sixty-five years old na si Ms. Cynthia Sol, The Amazing Dancing Diva sa kanyang naiibang dance number at glamorous Armani outfit with the background music na “Faithfully” na tinugtog ng banda ni Nyoy. Split to the max on stage si lola, hiyawan, palakpakan at tuwang-tuwa ang audience sa kanilang nasaksihan. Lalo na nang magpaagaw ito ng iba’t ibang style ng sumbrero galing pa ng London

Hanggang ngayon, palaging high energy kung mag-perform si Nyoy on stage. At napakaganda ng kanyang mga line-up of songs, palaging may bago kang mariri-nig, kaya naman always on top pa rin ang King of Acoustic Pop.’

Siyempre, nagbigay rin ng kani-kaniyang solo number sina Laarni at K-La and duet with Nyoy. Matindi rin ang dating ni Jovit sa madlang pipol nang ipakilala na ito on stage ng singer/composer. Nakabibinging tilian ng mga fans ng Pilipinas Got Talent Grand Champion nang humataw itong umawit lalo na sa duet nila ni Nyoy Volante.

Taos-puso ang pasasalamat namin sa sponsors ng show, Primeriz, Governor ER Ejercito (Laguna), Kuya Boy Abunda (Backroom) at Shimmian Manila Surgicenter.

Photos by Fernan Sucalit

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Nyoy Volante’s concert, packed with many guest performers!

  1. Ano na ba ang nangyayari sa demandahan nina Nina at Nyoy dahil doon sa malaking perang nautang niya from Nina. Nabayaran na kaya ni Nyoy yon? Sigi Nyoy concert ka ng concert para makapera ka para ipambayad mo ni Nina. It is UNGENTLEMAN to walk away from your responsibilities especially owing money from other people. Nakakahiya yon!!!! Settle your obligations and move forward with your life para makatulog ka ng himbing sa gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.