Nutrition Month, sinimulan na sa Navotas City

 

INUMPISAHAN NA NI Mayor John Rey Tiangco ang pagsasagawa ng launching para sa proyektong “Citywide Supplemental Feeding Program”, sa 14 na barangay sa Navotas City, bilang pakiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo.

Katuwang ni Mayor Tiangco na naglibot sa mga barangay sa Navotas City ang mga barangay officials, SK officials at Nutrition Office.

Target ng proyekto ng alkalde ang mga batang nasa isa (1) hanggang anim (6) na taon gulang at mga pag-aaral tungkol sa wastong pagkain ng bata upang hindi maging malnourish.

“Mahalaga sa bata ang wastong nutrisyon kasi apektado ang pag-iisip ng mga bata. So dapat lang na bigyan sila ng importansiya sa pagkain,” paliwanag ni Tiangco.

Aabot sa anim na buwan ang itatagal ng proyektong ito ni Tiangco, para masi-guro ang kalusugan ng mga bata.

Maging ang mga buntis ay tinuturuan din ng Nutrition Office ng wastong pagkain, upang maging malusog ang kanilang mga anak kapag isinilang ito.

(ROMAN MAGPOC).

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.