Nutrition at TB Program ng Navotas, Kinilala ng DOH

BILANG PAGKILALA, nagkamit ang Navotas City ng dalawang major awards sa Regional Nutrition at 5th Manuel L. Quezon Achievers’ Awarding Ceremonies na pinangunahan ng Department of Health (DOH) at ginanap kamakailan sa Pandanggo Hall, Manila Hotel at Manila Grand Opera Hotel, ayon sa pagkakasunod.

Sa 17 local government units sa National Capital Region (NCR), napagwagian ng Navotas Achievers’ Award o Over-all Champion kaugnay ng pagpapatupad ng National Tuberculosis Control Program para sa pagkakamit ng TB-free Metro Manila at 2nd runner-up sa paghahanap ng “Outstanding City in NCR in Nutrition Program Implementation and Management”.

Ang unang pagkilala ay may kasamang premyong P250,000 bilang suporta sa pagpapaigting ng pagpapatupad ng nasabing programa.

Ang search ay taunang ginagawa tuwing Agosto bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month. Nakuha din ng Navotas ang 3rd place sa Nutrition Month Poster-making contest. Si Jewel Gripon, isang grade 5 student ng Tangos Elementary School ang nakakuha ng nasabing premyo para sa Navotas.

Kinilala ni City Mayor John Rey Tiangco ang dedikasyon ng health services providers sa lungsod at hinimok silang lalong maging mainam na lingkod-bayan bunsod ng tinanggap na pagkilala.

(MARY H. SAPICO)

 

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.