Nursing student, na-rape ng ka-chat

NILASING MUNA BAGO hinalay ang isang nursing student ng kanyang ka-chat matapos mag-eyeball ang mga ito sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nadakip naman ang suspek na si Jeffrey Calara, 24 ng Panday Pira, Bagong Barrio ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 19 ng Tandang Sora, Quezon City, alas-5 ng hapon ay nakipagkita siya sa suspek na isang buwan na nitong ka-chat sa Balintawak, Quezon City.

Napagkasunduan ng dalawa na pumunta sa bahay ng kaibigan ng biktima malapit sa Balintawak subalit pagsapit doon ay wala ang kaibigang bebot.

Uuwi na sana ang biktima subalit inaya naman siya ng suspek sa bahay ng pinsan naman nito sa 4th avenue, Caloocan City at pumayag naman ang dalaga.

Pagdating sa nasabing bahay ay nag-ayang uminom ang suspek na hindi na natanggihan ng dalaga hanggang sa makaramdam ng hilo ang biktima.

Nakaidlip ang biktima at nang magising ay naramdaman nito na nagalaw na siya ng suspek hanggang sa pagsabihan pa siya ng huli na “isasama kita sa koleksiyon ko, marami na akong nakuhanan ng larawan at video ng mga hubad na babae at may napatay na rin ako,” na naging dahilan upang matahimik ang una.

Nang payagan makauwi ng suspek ang biktima ay agad na nagsumbong ito sa kanyang mga kaanak na naging dahilan upang ipadampot ang suspek.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.