Nursing grad, pinaslang ng tiyuhin sa motel

ISANG NURSING graduate ang pinaslang ng tiyuhin sa isang motel dahil lang umano sa P300 na utang nito sa Iloilo City.

Kinilala ang biktimang si Lily Grace Ariola Ditchon, 22 anyos, ng Pangi, San Dionisio, Iloilo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan kahapon ng umaga ng roomboy ng Katrina Lodge ang bangkay ng biktima sa ilalim ng kama, kung saan sa im-bestigasyon ay pinatay ito sa sakal habang isinantabi ang pakikipagtalik dito.

Arestado naman ang tiyuhin ng biktima na si Reynaldo Bolinas, residente rin sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng hindi pinangalanang roomboy, alas-6 ng umaga noong Lunes noong mag-check-in ang biktima at ang suspek at inokupahan ang room 26.

Gayunman, pagsapit ng gabi ay mag-isa na lamang lumabas si Bolinas dahilan para siyasatin ang kuwartong inokupahan ng dalawa hanggang matagpuan ang bangkay ni Ditchon.

Agad naaresto si Bolinas at sinabing nagtalo sila ng biktima dahil sa matinding utang nito.

Gayunman, iginiit ng ina ni Ditchon na P300 lang ang utang ng anak at hindi makatuwiran ang pagpaslang dito. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.