Nurse na Nang-Hostage sa Ina at 2 Menor, May Sayad

KINAKITAAN NG sen-yales na nawawala sa katinuan ang nurse na hinostage ang sariling ina at dalawang menor de edad sa kanilang bahay sa bayan ng Villasis sa Pangasinan.

Sinabi ni C/Insp. Remegio Yapes, OIC chief of police ng Villasis Police Station na hindi sinasagot ng salarin na si Billy Domingo ang mga tanong sa kanya ukol sa motibo nito sa pananaksak at pag-hostage sa ina at dalawang menor de edad na kapit-bahay.

Wala naman umano sa impluwensiya ng alak ang suspek at hindi rin kinakitaan ng senyales na gumamit ito ng iligal na droga bago ang hostage drama na tumagal ng halos dalawang oras.

Maliban sa ‘di pagsasalita, hindi rin kinakain ng suspek ang ibinibigay sa kanyang pagkain habang ito ay nakakulong.

Samantala, hirap ding makakuha ng karagdagang impormasyon ang mga kinauukulan sa motibo ng salarin dahil hindi pa nila nakakausap ang ina nito na nagpapagaling na sa pagamutan habang ang kanyang ama ay nasa lalawigan ng Cagayan.

Sa ngayon, nahaharap sa kaso ang suspek habang patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kinauukulan sa kaanak nito dahil sa posibleng ipasuri ito sa mga espesyalista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.