Nurse na Biktima ng Gang Rape, Paralisado ang Kalahati ng Katawan

PARALISADO ANG KALAHATI ng katawan ng voluteer nurse na umano’y na-gang rape sa isang liblib na bayan sa Maguindanao na nagtamo ng matinding sugat sa katawan, ayon sa mga health official sa lugar.

Patuloy na nakikipaglaban sa kamatayan ang 21-anyos na biktima na naglakas-loob na magboluntaryo bilang municipal health nurse sa malayon bayan ng South Upi sa Maguindanao. Nakaratay pa rin ito sa Cotabato Regional and Medical Center simula pa noong Setyembre 25 ilang oras matapos na umano’y gahasain ito ng anim na kalalakihan sa Barangay Timanan, ayon sa mga lokal na opisyal.

Sinabi ni Dr. Kadil Sinolinding, health chief ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, na bumisita sa biktima noong Biyernes ng gabi, na nagtamo ang nurse ng matinding physical injuries.

“The whole right side of her body has been paralyzed due to her head injuries caused by severe blows from hard objects used by her attackers,” pahayag ni Sinolindong sa mga mamamahayag.

“It may take three to five months for her to recover from paralysis,” aniya.

Sinabi pa ni Sinolinding na sa kabila ng matinding sakit na inabot ng katawan ng biktima, maganda naman daw ang ipinakikitang paggaling ng biktima.

Sinabi ng regional health chief na inaasahang sa loob ng limang arawa, maaari umanong bumalik na ang kamalayan ng bikitima at maituro na ang mga salarin sa pamamgaitan ng mga litrato.

Kinuhanan ng mga pulis ng litrato ang mga supek, kabilang ang anim na nakakulong na, para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga ito ng biktima, ngunit hindi pa pinapayagan sa ngayon ang mga pulis na pumasok sa kuwarto ng biktima sa nasabing ospital.

Iniabot din ni Sinolinding, ARMM Social Welfare Secretary Pombaen Karon Kader at ARMM Exec. Secretary Naguib Sinarimbo na dumalaw sa biktima noong Biyernes ng gabi ang may P64, 000 tulong pinansiyal sa mga magulang nito.

Ibinigay ni Sinarimbo ang kanyang isang buwang sahod na P35,000 sa mga magulang ng biktima para sa pangangailangang medikal ng volunteer nurse sa hinaharap.

Tinanggap naman ng ama ng biktima ang tulong, at muli siyang nanawagan para sa hustisya sa anak, sa kabila ng ilang ulat na kabilang umano sa umatake sa kanyang anak ay nabibilang sa maimpluwensiyang pamilya sa South Upi.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Nurse na Biktima ng Gang Rape, Paralisado ang Kalahati ng Katawan

  1. Nakakalungkot na balita….isang babaeng walang inaasam kung hindi maglingkod sa mga kababayan pero anu ang ginawa sa kanila ng mga dimonyong mga tao na to….Hindi lang kinabukasan ang sinira nila sa kawawang babae kung hindi pagkatao at pangarap….Minsan di natin maiwasang magisip na bakit hindi na lang nating gayahin ang ibang bansa gaya ng Saudi Arabia sa pagbibigay ng parusa.Para sa masasamang tao,napakagaan na parusa ang pagkakakulong kaya paulit-ulit lang ang paggawa ng karumal dumal na krimen gaya ng nangyaring ito…Sana mabigyan ng hustisya ang kaawa awang estudyante.Sana mabigyan ng mas mabigat na parusa ang mga masasamang loob na to..Para di na tularan ng iba…Sana matigil na ang krimen na katulad nito…Maawa kayo sa mga taong nagsusumikap at pinipilit na umangat ang pamumuhay sa malinis na paraan.Hayyy….

Leave a Reply

Your email address will not be published.