Number Coding, Suspendido pa rin Maliban sa Makati CBD

BUKAS, MARTES, Abril 2 pa muling ipatutupad ang number coding sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Francis Tolentino, suspendido ang number coding hanggang ngayong araw ng  Lunes, Abril 1 para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Maynila mula sa mga probinsya matapos ang Mahal na Araw.

Samantala, hindi anya kasama rito ang ilang lugar sa Makati, partikular ang Central Business District (CBD).

“Ang balik po ng number coding sa April 2, Tuesday kasama po lahat. May area po du’n Makati Central Business District na hindi naka-lift [ang number coding] dahil ito po ‘yung pasukan sa loob ng Ayala Center etc., so halos lahat po ay lifted except lang ‘yung area na ‘yun… sa loob ng Central Business District area.”

“Ang purpose po ng pagli-lift ay para makauwi ang ating mga kababayan galing ng probinsya. Kung dadaan po kayo ng SLEX, pasok ng EDSA [sa Makati] hindi po apektado ‘yun.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.