Nude photo ng aktor, nagkalat sa internet! – Tita Swarding

OLACHIKKA! NAKU, HA! Mahulaan n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo dahil ang aktor na ito ay hindi lang sa drama magaling kundi pati na rin sa komedya ay swak ito.

Very friendly itong si aktor at malapit sa mga bading. Ang nakakaloka ay dahil halos nakatengga na ang career ng aktor ngayon dahil ni isa ay wala ito. Pumapatos na lang ito sa mga pipitsuging mga show at ang mga show diumano nito na out-of- town ay binabarat na rin, huh! Kaya no choice itong si aktor dahil kailangan niyang kumita. Pati nga sa indie film ay pinasok na rin nito. Hmmm…Walang masama diyan, ‘noh!

[ad#post-ad-box]

Pero ang nakakaloka, wala na nga sa isang malaking network itong si aktor na halos mag-iisang taon na. Naalala  namin nu’ng kami ay nagkausap at nakasama ko ito sa isang ginawang indie film. Naku, ha! Pero hanggang ngayon, sa tagal ng paghihintay ay wala talagang kumuha sa aktor na ito. Hmmmmm. Bakit kaya? Mabait naman ito. Pero ang ikinabigla ng aking ulirat ay nang makita ko ang mga larawan ng actor na ito sa isang site ng internet na nagkalat na hubo’t hubad, huh!

Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni aktor dahil mabait naman ito. Sabagay, iba na ang teknolohiya ngayon. Puwedeng idugtong ang mukha nito sa isang katawan na hindi sa kanya. Hmmm….Defensive ang lola. Ha! Ha! Ha!

Pero ayon sa aking Parazzi Girl, si aktor daw talaga ang naglagay nito upang magkaroon siya ng ingay, huh!  Dahil nakalimutan na raw siya ng sirkulasyon, huh! Nakakaloka, ha!

O, nahulaan n’yo na kung sino siya? Haler! Ang clue, maingay ang lovelife nito nu’ng sila pa ni actress,huh! Pati si actress ay wala na ring ingay!  ‘Yun na!

ITO ANG NAKARATING sa akin at naisulat ko ito nu’ng isang araw rito sa column ko sa Pinoy Parazzi, ang tungkol sa mayabang na TV host na si Willie Revillame. Ayon nga sa aking Parazzi Girl, instead na ligawan daw ni Willie ang anak ni Senator Manny Villar ay magsosyo na lang sila sa negosyo. Kilala raw ng magaling na senador ang ugali ng mayabang na TV host at ayaw raw niyang nasa alanganin ang anak, mas maigi na raw na sa negosyo na lang sila magsosyo, huh! Hay, no comment ako riyan. Itong Parazzi Girl ko, ha! Sabagay, alam na alam ng publiko ang bituka ng mayabang na TV host. Kaya sa building na itinatayo sa tapat ng ABS-CBN ay magkasosyo sina Senator Manny Villar at Willie. Tamang-tama na raw na sa negosyo na na lang at hindi mauwi sa ligawan ng anak nito, huh! Nakakaloka, ha!

GOODBYE NA NGA ang show nina Ai-Ai delas Alas at ng anak ni Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez, ang Ruffa & Ai.

Sa paliwanang ng isang mataas na opisyal ng istasyon ng Dos, hindi raw ratings  ang labanan kundi sa schedule daw ng dalawa na hindi minsan magkatugma. ‘Yun na lang ang ibinigay na paliwananag  ng mga bossing.

Pero hindi kasi nauungusan ng dalawa ang kalaban nito na ilang taon na rin sa telebisyon at halos nakakaantok ang show ng dalawa kumpara sa kabila na alive at araw-araw ay iba-iba ang timpla. Sabi ng ilan, ok na raw sana si Ai Ai pero pagdating kay Ruffa, medyo nakaaantok daw  at pilit na pilit. Hanggang The Buzz lang daw ang beauty nito. Maraming show sa Dos ang tsutsugihin, bukod sa Ruffa & Ai ay pati ang kasunod nitong programa na Pilipinas, Game Ka N Ba? na aking pinanonood ay tsutsugihin na rin daw at hindi na tuloy na si Luis Manzano bilang kapalit ni Edu as host. Si Edu Manzano ay tatangalin na sa programa dahil  tatakbo ito sa susunod na eleksiyon kaya goodbye na rin ito at papalitan ng bago. Naku, ha! Ano naman kaya ang ipapalit dito. Ito nga ang aabangan ng lahat. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

20 thoughts on “Nude photo ng aktor, nagkalat sa internet! – Tita Swarding

  1. Friend or foe, kung malakas mag donate ang mga kaibigan, doon ako. Kailangan nang bansa nang maraming pera para makabangon. Maraming sinalanta si Ondoy at Peping. Si Willie, malakas kumabig at manuyo. Si Joey De Leon and friends ba, maraming naitulong sa ating kababayan na nabaha? Siguro, tigil muna tayo nang panlalait kay Willie dahil maski papaano, marami naman siyang natutulungan. Kung ang pera ay galing sa kanya o sa kanyang mga mayayamang kaibigan, hindi na natin dapat kuwestiyonin, basta ang mahalaga, may tulong na dumarating.

  2. AI-AI AND RUFFA ARE BOTH BORINGS…THEY SHOULDN’T BE ON THAT PROGRAM,MATULOG NALANG KAYO AT MUKHA KAYONG KULANG SA MGA TULOG.AND LALO NA SI RUFFA LAGING PUYAT NA AKALA MO MAY HANG OVER LAGI.KAKA-TWEET SIGURO KAY ILMAS!

  3. TSUGIIN NA DAPAT ANG GAME KNBA KC PARANG DI NA SYA GANUN KA ENTERTAINING SINCE THEY ALWAYS CHANGING THE STYLE OF THE GAME ESPECIALLY NOW ANG BORING NA PARA NA SIYANG REALITY CHALLENGE.MAS OK PA NUN NA SIMPLE LANG AT THEY JUST ANSWER QUESTIONS AND MOVE TO THE NEXT ROUND.

  4. May nabasa din ako na isang TFC subscriber na un daw chef sa WhiteHouse na filipino eh avid fan ng Wowowee. At minsan daw nakita sya ni Pres. Obama nanonood ng Wowowee. Natuwa daw ito dahil madaming americans ang fans ng Wowowee. Kaya nakinood na din.

    FYI:
    September 3 – sinecelebrate sa LAS VEGAS ang Willie Revillame’s Day. Since 2006, ng mag-show sila dun. Iginawad ng Local Government sa pamumuno ng Governor ng Las Vegas na ang Sept.3 ay Willie’s Day.

    • This Filipina chef has been President Bush’s chef and when President Obama took office, they retained her.

      • BAKIT LAGI PAG-ISANG FILIPIN SUMIKAT/NAGING MAAYOS SA IBANG BANSA…AT NALAMAN DITO SA PINAS O PUMUNTA DITO UNG TAO, EH LAGI NALALAOS???

  5. Swarding, wala ka talagang maganda masabi kay Willie. Anong reaksyon mo na ung Prime Minister ng Bahrain na nag-donate ng P25 million sa ABS-CBN eh avid fan ng WOWOWEE.

    I suggest pasikatin mo ang Eat Bulaga. Kasi hindi nito kay sumabay sa WOWOWEE kaya ang ginagawa nyo ni JOEY eh siraan si Willie. Pero kahit anong sira nyong dalawa eh mahal pa din sya ng tao.

    Dapat mag-sumikap kayong dalawa para umangat sa buhay. Iwasan ang mainggit.

  6. Swarding, wala ka talagang maganda masabi kay Willie. Anong reaksyon mo na ung Prime Minister ng Bahrain na nag-donate ng P25 million sa ABS-CBN eh avid fan ng WOWOWEE.

    I suggest pasikatin mo ang Eat Bulaga. Kasi hindi niot kay sumabay sa WOWOWEE kaya ang ginagawa nyo ni JOEY eh siraan si Willie. Pero kahit anong sira nyong dalawa eh mahal pa din sya ng tao.

    Dapat mag-sumikap kayong dalawa para umangat sa buhay. Iwasan ang mainggit.

  7. oa naman kasi si Rupa akala nya ganun na siya ka galing. hindi nadadala sa Englisanyan at pasusyalan.

    Masa ang audience at pasusi ka di tigbakan ang kalaban.

    Di gaya sa Sis Soci yung 3 pero pang masa parin. Dagdagan pa ni Half moon AI Ai na oa na ang dating , wala na tala tsugi ang labas.

    Conflict of sched, bakit sa umpisa tinangap nila . Hay sus Day hindi bobo nag manunuod. Diba
    anabil rama.