Nuclear o Atomic Science Awareness, Mababa Dahil sa Pulitika

PULITIKA UMANO ang dahilan ng mababang araweness ng mga Pilipino, lalo ang mga mambabatas, sa nuclear o atomic science kaya kahit anong kabutihan sa medisina, agrikultura at elektrisidad  ang dulot nito sa tao ay ‘di nila tinatanggap.

Ito ang napag-alaman ng pahayagang ito nang tanungin ang Philippine Nuclear Research Institute sa pulong balitaang ginanap sa kasagsagan ng unang araw sa isang-linggong pagdiriwang ng 41st Atomic Energy Week kaagapay ang Department of Science and Technology na may temang ‘Nuclear Science: Safety and Security Road to Smarter Philippines’.

Negatibo pa rin ang tingin ng karamihang mamamayan sa atomic science o “nuclear” sa madaling salita, kahit sa paglalatag ng mga positibong hatid ng atomic science tulad na lamang na nadebelop na irradiated food na pork at chicken adobo para sa mga immuno-compromised patient na may cancer, nagke-chemo o radiotherapy, organ transplant at HIV/ AIDS. Ngunit maraming ospital ang tumatangkilik nito sa kabila ng wala pang nabibili sa pamilihan dahil wala pang adaptor o food manufacturer na magma-mass produce nito.

Sa bansang Amerika noon, ayaw ring tangkilin ang mga pagkaing pagkaing irridiated,  subalit noong nagkaroon ng outbreak ng ecoli at walang ibang paraan upang makakain sila ng tunay na malinis na pagkain, biglang nagkaroon ng mass market ang mga irradiated food.

Noon sa buong Asia taon 2000, ang Pilipinas lang ang kauna-unahang nagkaroon ng medical cyclotron. Ngayon,  naungusan na ang bansa ng mga karatig-bansa tulad ng Malaysia at Thailand. Patuloy pa rin naman

ang paggamit ng paraang ito sa mga pagamutan sa bansa gaya ng St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institute.

Ang atomic science sa medisina o nuclear medicine ay pinag-iibayo sa pamamagitan ng mga kagamitang kaugnay nito gaya ng magnetic resonance imaging o MRI, x-ray, chemotherapy atbp. Kaya maraming may cancer na nakikinabang sa kabutihan ng agham ng atomika sa medisina o sa madaling salita, “nuclear” medicine.

(MJ Balaguer)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.