Nuclear Energy, Makatutulong sa Pagsasaka

HINDI NAMAN laos ang sinaunang paraan ng pagsasaka ngunit dahil nga isang kumikitang kabuhayan ang pagbubukid sa maraming bahagi ng daigdig, kinakailangan na rin ngayon sa bansa ang interbensyon ng agham at teknolohiya.

Sa pagtutulungan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) na nakabase sa Los Baños. Laguna at ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na nasa Lungsod Quezon, kapwa mga sangay ng Department of Science and Technology (DOST), binuo ang isang pag-aaral upang makatulong maiangat ang paraan ng pagsasaka ng Pinoy.

Ang isotope/nuclear tracer technique ay isang pamamaraan upang masiyasat ang kalagayan ng lupang tatamnan ng magsasaka upang sa gayon ay malaman niya kung gaano karami o kaunti ang kanyang ilalagay na maintenance gaya ng pataba o mga pestesidyo/herbisidyo.

Sa paraang ito ay gumagamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng mass spectrometer at inaanalisa ang Carbon, Hydrogen, Oxygen, Nitrogen at Sulfur na nasa lupa upang maging produktibo ito at kumita ng karagdagan ang magsasaka sa sandaling duration ng kanyang pagtatrabaho.

Ayon kay Dr. Patricio S. Faylon, Executive Director ng PCAARRD, ang pagtutulungang ito ng kanilang konseho at ni Dr. Alumanda dela Rosa ng PNRI ay isa sa mga paraan upang ipakilala na maraming silbi ang enerhiyang nuclear, ‘di lang sa medisina at industriya bagkus pati rin sa pagsasaka.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.