NTC Website, Inatake ng mga Hacker

PINAGKATUWAAN NG mga hacker ngayong Undas ang website ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa tangkang pagpasok sa nasabing site, isang pop-up message na “Sh4d0wFiend_h4x04 and Wizkidl33t were here!” ang sasalubong sa mga bibisita sa http://www.ntc.gov.ph.

“Welcome to the world of Halloween, in a moment you will see a couple of scary and entertainment media,” ani ng mga hacker.

Sa oras na bisitahin, gugulatin ng mga nakakatakot na imahe at tunog ang sinumang magbubukas ng website.

Samantala, nilinaw ng

mga nasa likod nito na hindi nila hinack ang website at ginawa lamang nila ito sa ngalan ng katuwaan.

“This is not about a government issues this is for Halloween special, click proceed to go to the next page,” dagdag pa ng mga hacker.

Maaari namang ligtas na bisitahin ang site ng ahensiya sa web address na http://ntc.gov.ph/index.php.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.