NPD, may bago nang director

BAGO NA ANG pamunuan ng Northern Police District (NPD), bi-lang bahagi pa rin sa balasahan ng Pambansang Kapulisan.

Sa isinagawang turn-over ceremony kahapon ng hapon sa opisina ng NPD sa Tanigue St. Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan, Caloocan City, pormal na isinalin ni dating NPD director P/ Chief Supt. Edgar Ladao ang kanyang posisyon kay P/ Chief Supt. Antonio Decano.

Si Ladao, Batch 82 ng Philippine Military Academy (PMA), ay naupong NPD director noong July 15,2010 nang palitan nito si P/ Chief Supt. Samuel Pagdilao na hepe na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Malalagay sa Region 3 si Ladao at sakop nito ang Bataan, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Si Ladao ay naging Deputy District Director ng Manila Police District (MPD), bago ito napuwesto sa NPD.

Samantala, si Decano ay naging director naman ng Philippine National Police Academy (PNPA) bago napunta sa NPD.

Sinabi ni Decano na gagawin niya ang makakaya upang maisaayos ang peace and order situation sa Northern Metro area.

Inaasahan na ang pagkakaroon ng balasahan sa mga opisyal sa NPD na madalas nang nakagawian kapag bago ang director.

Kaugnay nito, inaasahan naman ng mga residente ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area ang kaukulang aksiyon para sa ikasusugpo ng operasyon ng Jueteng, iligal na droga at kriminalidad sa kanyang nasasakupan. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.