NPD, Inutil sa Bookies

INUTIL AT walang silbi umano ang tanggapan ni Northerm Police District (NPD) Director Chief Supt. Antonio l. Decano laban sa mga nagkalat na bookies ng karera at iba pang uri ng sugal sa karea of responsibility.

Ayon sa source ng Pinoy Parazzi, isang Danny “Kamote” Estanislao na tinaguriang “bookies king” ay isang “untouchable” na gambling lord.

Itong si Kamote ang siyang financier ng lahat ng bookies na makikita sa lahat halos ng barangay sa lungsod ng Caloocan at maging sa Valenzuela City.

Nabatid pa sa source, walang sinumang pulis na maglakas-loob na hulihin ang pa-bookies ni Kamote sa dahilang malaking halaga ang ipinararating umano nito sa NPD authority.

Napag-alaman pa sa impormante, isang PO3 Cruz ang tumatayo umanong kolektor ng tarya sa lahat ng uri ng sugal sa CAMANAVA area habang tumatayong “bagman” umano sa NPD ay isang Chief Insp.“Lleva”.

Dahil dito, sa ginagawang pagsasawalang kibo ni Decano sa mga nagkalat na sugal sa kanyang nasasakupan ay lalong nabubulid ang mga residente sa CAMANAVA sa pagsusugal

(ROMAN MAGPOC). 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.