NPD, full alert sa Semana Santa

NAKIPAG-UGNAYAN  ANG NORTHERN Police District sa mga Simbahang Katoliko sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela City (CAMANAVA) at mga pribadong sektor upang maging ligtas ang mga libu-libong deboto na inaasahang dadagsa simula sa Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay ng Poong Jesus.

Ayon kay NPD Director Chief Supt. Edgardo Ladao, magpapakalat siya ng mga unipormado at sibilyang pulis sa kapaligiran ng mga simbahan.

Aniya, ang mga nasabing pulis ay hindi bibigyan ng permiso para mag-leave of absence o magbakasyon para maging maayos ang police visibility sa kani-kanilang nasasakupan sa pagsisimula at paggunita sa Semana Santa.

Idinagdag pa ni Ladao, ang NPD ay nanatiling nasa full alert simula pa noong nakalipas na linggo upang masigurong ligtas ang mga libu-libong pasahero na inaasahang bibiyahe sa iba’t ibang probinsiya.

Ipinatutupad pa rin ang checkpoint operations, entry at exit points sa mga strategic na lugar kabilang ang mga bus at pier terminal.

Magdadagdag pa ng karagdagang police officers at K-9 dogs para ideploy sa mga vital installations kabilang dito ang LRT stations.

Binigyang-diin pa ng NPD chief, patuloy pa ring isasagawa ng mga operatiba ang inspeksiyon sa mga motorcycles at scooters na bumibiyahe sa mga pangunahing kalsada para masiguro na ang mga motorcycle ay hindi carnap.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.