NPD at Caloocan Police, walang magawa sa nagkalat na video karera sa lungsod

 

INUTIL AT WALANG SILBI ang pamunuan nina Northern Police District (NPD) Director Gen. Chief Supt. Decano at Caloocan PNP Chief Sr. Supt, Jude Santos upang masawata ang operasyon ng mga nagkalat na mahigit na 1,000 video karera machine  sa buong lungsod ng Caloocan.

Ang mga nakakalat na video karera machine ay may “go signal” ng isang opisyal ng city hall na malapit umano kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri para makapag-operate ng nasabing sugal.

Ang operasyon ng VK ay ibinunyag ng isang police chief inspector na nakatalaga sa Caloocan PNP at nakikiusap na huwag nang banggitin pa ang kanyang pangalan dahil sa personal na seguridad, hinggil sa napipintong  malawakang operasyon ng VK sa lugar ni Echiverri.

Sinabi ng impormante na isang “Sacho”, na miyembro ng Caloocan Police ang siya umanong operator ng VK na labis na kinasusuklaman at kinatatakutan ng mga residente ng lungsod.

Ang city hall official na kilalang-kila sa bansag na “Little Mayor” ang siyang kumontak at humingi kay Sacho ng “loyalty fee” upang maging solo operator ng VK.

Bago umano isagawa ang operasyon ng VK, ipinanghingi na umano ni “Little Mayor” ng malaking halaga ng payola para ibigay sa ilang miyembro ng media partikular ang mga kolumnista para isara ang kanilang mga mata at bibig sa bubuksang operasyon ng VK.

Ang sinasabing “Little Mayor” din ang umano tumatayong representavie ng Caloocan City Police Station, kung saan ay sinisiguro ni Sacho na hindi siya nakararanas ng panggigipit ng mga pulis.

Sinabi pa ng source, si Little Mayor din umano ang nagsisilbing “Panginoon” nina Decano at Caloocan City Police Chief Sr. Supt. Jude Santos at ilang pang opisyal ng lokal na kapulisan, dahil ang utos nito ay hindi kayang baliin. Ito’y dahil si “Little Mayor” ang siya umanong nagdidikta ng re-shuffle ng kapulisan ng lungsod, at hindi si Mayor Echiverri.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.