NPA, Utas sa Pagsalakay sa Masbate

NAGDULOT NG matinding trauma sa ilang mga bata ang nasaksihan na palitan ng putok ng isang kasapi ng CAFGU na naka-off duty at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Masbate.

Dead on the spot ang isang NPA na nakilalang si Noel Sioco, kapatid ni Cathernie Sioco alyas Ka Chin Chin na mga miyembro ng Front Committee 83 ng NPA sa naturang lugar.

Habang ligtas naman ang Cafgu na si Romy Ariola na residente ng Brgy. Ilaya sa bayan ng Balud.

Nangyari ang pananalakay bandang alas-4:40 ng hapon kung saan namamahinga si Ariola nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Army’s 9th Infantry Division spokesman Maj. Angelo Guzman, kinumpirma nito ang pagsugod ng nasabing mga rebelde kung saan kahit nag-iisa ay naidipensa at nagawang patamaan ng CAFGU ang mga kalaban na naging dahilan para umatras ang mga NPA papalayo.

Napag-alaman na ang mga salarin ang siya ring pumatay sa kapatid ni Ariola noong taong 2010.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.