NPA supporters, damay sa pagsabog sa Bukidnon – PNP

ISA ANG nasawi habang mahigit 30 ang nasugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa bayan ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa.

Nagsasagawa ng pagtitipon sa kanilang mga supporters na mga sibilyan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) mula sa Guerilla Front 63 nang mangyari ang insidente.

Ayon kay S/Supt. Rustom Duran, hepe ng Bukidnon Provincial Police Office, posibleng nagsasagawa ng demonstrasyon ang mga rebelde sa kanilang ginawang bomba nang mangyari ang naturang pagsabog.

Nalamang isa umanong rebelde ang nasawi, ngunit dinala ng kanyang mga kasamahan ang kanyang bangkay.

Karamihan umano sa mga nasugatan ay nagmula sa tatlong mga barangay sa Kibawe na dumalo sa pagtitipon ng NPA.

Sinasabi ring may mga rebeldeng nasugatan sa pagsabog, ngunit inaalam pa ngayon ng mga awtoridad at militar kung saang ospital sa Bukidnon dinala ng kanilang mga kasamahan ang mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.