NPA, Nanghostage sa Sarangani

PATULOY NA bineberipika ng militar ang kanilang natanggap na ulat na mayroong hinostage ang New People’s Army (NPA) sa Datal Bukay, Glan, lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Lt. Col. Adolfo Espuelas Jr., commanding officer ng 73rd Infantry Batallion, Philippine Army, na ang anak na pinaghihinalaan ng nasabing rebelde na tumutulong sa mga sundalo ang hinostage ng mga ito matapos silang mabigong makuha ang ama nito.

Dahil dito, isinagawa ng militar ang operasyon upang makumpirma ang report, dahil ang pamilya mismo ng biktima ay hindi nagbigay ng pahayag ukol dito.

Sa ngayon patuloy naman ang monitoring ng militar ukol sa posibleng presensiya ng NPA sa ibang mga lugar ng naturang lalawigan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.