NPA na Nanunog ng Heavy Equipment sa Albay Airport, Tiklo

HINDI NA nagawa pang makatakas ng isa sa pinaniniwalaang kasapi ng CPP-NPA-NDF Bicol sa isinawagang operasyon ng tropa ng militar sa bahagi ng Camalig, Albay.

Base sa pagsisiyasat, bandang alas-6:33 umaga kamakailan nang mapasakamay na ng mga kinauukulan ang kinilalang si Benjie Berdan Lovenia matapos matagumpay sa operasyon ng tropa ng 2nd Infantry Batallion Philippine Army.

Sinabi ni Major Narzan Oboyes na matapos na matanggap nila ang impormasyong nasa kanyang bahay sa Sitio Pagsinhan, Barangay Maninila bayan ng Camalig ang suspek, agad silang nagsagawa ng operasyon na nagresulta naman sa pagkakadakip rito.

Samantala, maliban sa kasong Murder, si Berdan din ang itinuturong isa sa mga nasa likod ng panununog ng mga heavy equipment sa Alobo International Airport noong nakaraang taon kung saan, ilan na rin sa mga kasamahan nito ang una nang nakasuhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.