NPA Leader Na May Patong Na P2.5 Milyon, Tiklo

NADAKIP NG pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang ranking leader ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA) na may nakalaang P 2.5 Million sa Benguet.

Alas-2:00 ng hapon kamakalawa nang madakip si Kennedy Bangibang, kalihim ng Kilusag Larangan Gerilya-Baggao sa Bangao Proper Junction, Halsema Highway, sa bayan ng Abatan.

Sinabi ni PNP spokesman, Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., si Bangibang ay nasukol ng magkasanib na puwersa ng pulis at military intelligence operatives sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Tabuk, Kalinga.

 (S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.