NP, posibleng kumampi kay Binay

POSIBLENG MABAWASAN ang ruling Liberal Party (LP) pagsapit ng 2016 presidential elections dahil bagama’t dalawang taon pa bago ito isagawa, nagpapakita na ng indikasyon ang isang partidong kaalyansa nito ng posibilidad ng pagkalas at gumawa ng sariling lakad.

Ito’y makaraang aminin ni Sen. Cynthia Villar, kabiyak ni Nacionalista Party (NP) president at dating Sen. Manuel Villar Jr., na bagama’t maayos ang pagtrato sa kanila ngayon ng LP ay hindi umano masasabing magtatagal ito hanggang sa 2016.

Aminado ang senadora na posibleng maging bukas sila sa pakikipag-alyansa sa lahat ng partido kabilang dito ang binubuo ni Vice Presidente Jejomar Binay na una nang nagdeklarang sasabak sa presidential elections.

“P’wede rin,” pahayag pa ng mambabatas nang matanong kung posible na makipag-alyansa ang NP sa grupo ni Binay.

“Wala naman kaming problema with LP nga¬yon. Pero 2016 election is a different matter,”dDagdag pa nito na nagpapahiwatig na posible talaga silang magsarili pagsapit ng nasabing eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.