NP, Handang Makipag-Alyansa Sa Kahit Anong Partido – Villar

HANDA NA umano ang Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manny Villar Jr., na makipag-alyansa sa iba pang partido para sa darating na 2013 midterm elections.

“Ito ay napagkaisahan naman namin, kami ay nakahanda na makipag-usap sa lahat ng partido, LP at sa iba pa,” ani Villar.

Pero umiwas muna si Villar na kumpirmahin ang napaulat na nakikipag-usap ang kanyang partido sa Liberal Party (LP) ni Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

“Alam n’yo, kami kasi ay naniniwala sa Partido Nacionalista na napa-kaaga pa at dahil dito ay para kaming napipilit na magsimula nang maaga sa pulitika sa partido,” ayon sa senador.

Gayunman, binigyang-diin ng pangulo ng NP na may kakayanan pa rin ang kanilang partido na tuma-yong mag-isa sa darating na eleksyon.

Kinumpirma na rin ni Villar ang pagtakbo bilang senador ng kanyang misis na si Cynthia bagamat hindi nito sinabi kung kasama sa line-up ng United Nationalist Alliance (UNA) nina dating Pangulong Joseph Estrada at Vice Pres. Jejomar Binay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.