Noynoying, tama na; magpaka-Robredo na!

TAMA NA ang Noynoying sa gobyerno. Ito ang tila sinasabi ng mga miyembro ng gabinete ng pamahalaan tuwing pinanghihinaan ng loob o may kailangang isulong na responsibilidad. Mas mabuti raw na magpaka-Robredo na!

Ayon ito kay Transportation and Communications Sec. Manuel ‘Mar’ Roxas, na isa rin sa mga honorary pallbearer ng yumaong kalihim na nagsisilibing inspirasyon sa buong gabinete ang mga naiwang halimbawa ng yumaong Interior Secretary.

“Sa gabinete nga parang usap-usap namin, oh, ang bagong term sa mga hindi tama o kaya tinatamad, ‘oh ‘magpaka-Robredo ka’. ‘ Yan ang pamamaraan namin para manatiling buhay, sariwa ang values at ang halimabawa ni Sec. Jesse. Kung may sisitahin ka man, ‘oh ‘magpaka-Robredo ka’! Gawin mong matino, gawin mong mahusay, masinop, masipag ang iyong trabaho at siguro ‘yun na rin ang pinaka-tribute namin sa kanya para manatiling sariwa ang kanyang ala-ala,” ani ng kalihim.

Samantala, sinabi rin ni Roxas na masakit tanggapin ang realidad na wala na talaga si Robredo.

Mabigat aniya ang gina-wang paghahatid kay Robredo mula sa Malakanyang dahil ito na ang huling pagbisita ng namayapang kalihim sa Palasyo, kung saan sila nagpupulong bilang gabinete ni Pangulong Aquino.

Bagama’t malungkot, nag-

papasalamat ang kalihim sa pamilya Robredo sa pang-unawa ng mga ito sa trabaho ng kalihim at sa pagpapahiram sa kanya na maging isang ma-

buting lingkod-bayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.