Noynoy Aquino, tuluy-tuloy ang pagbagsak sa survey: Gibo Teodoro, laging panalo sa kabataan

Ilang kandirit na lang at mag-aabot na rin sa ratings sina Liberal Party Presidential bet Noynoy Aquino at Nacionalista Party bet Manny Villar.

Sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS noong January 21-24, lumalabas na pitong porsyento na lang ang lamang ni Aquino kay Villar. Dalawang porsyento ng naunang rating ni Aquino ang nawala habang dalawang porsyento naman ang dumagdag sa ratings ni Villar.

Ganito rin halos ang lumabas na resulta sa isinagawang sarbey ng Pulse Asia noong January 22 hanggang 26. Lumalabas na nadagdagan ng 12 porsyentong puntos si Villar mula 23% tungong 35% na naglalapit sa kanya kay Aquino na nasa 37% ratings mula sa dati nitong 45% ratings noong Disyembre.

Samantala, ’tila naman sawa na ang mga kabataan sa walang tigil na batuhan ng putik ng dalawang nangungunang kandidato. Kung mga kabataan lang kasi ang boboto, tiyak na ang panalo ng Lakas-Kampi-CMD bet Gilberto “Gibo” Teodoro dahil lagi itong nangunguna sa mock elections na isinasagawa ng iba’t ibang pamantasan at organisasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.(Parazzi Reportorial Team)

Related Post

loading...

3 thoughts on “Noynoy Aquino, tuluy-tuloy ang pagbagsak sa survey: Gibo Teodoro, laging panalo sa kabataan

  1. for now it is really hard to choose..ang daming issues n lumalabas against each other..for now our only option is to choose the lesser evil.

  2. hinihintay ko si noynoy na magmake ng good impression in his tv appearances and debates pero wala talaga. parang sobrang unprepared pa siya for a national position of this scale. sure ako na hindi siya magnanakaw, but i dont know if hes strong enough to handle all the other issues. sayang lang kasi i know he is a moral person pero kulang pa sa readiness. id rather vote for gibo or villar who have proven their competence. yung kay villar naman, kung talagang guilty siya bakit hindi nila file-an ng kaso sa ombudsman?! mga paninira lang ni jamby yan na wala namang ginagawa kungdi mang intriga.

    • Indeed! naging instant presidentiable siya ng mamatay si cory kahit wala pang napapatunayan bilang senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published.