Novela Erotica: Da Lucky Guy (13)

MULA NU’NG NAGING tropa na kami ni Jonas, tawagan na namin sa isa’t isa ay Pare. ‘Pag nakikita kami ng mga kaklase naming magkasama, sasabihin nilang, “And’yan na ang magkumpare.”

Kung uma-absent ang isa sa amin, tinatanong ng teacher namin, “O, asan na ang kumpare mo?”

Sa sobrang close namin ni Jonas, naikuwento na rin n’ya sa akin ang mga karanasan n’ya. Sabi n’ya, nasa elementary pa lamang daw s’ya, marunong na s’yang gumamit ng computer. ‘Di nagtagal at natuto na rin s’yang mag-surf sa internet.

Nu’ng una raw ay mga anime ang hinahanap n’ya. Natutuwa raw s’ya sa mga games ng internet. Sa isang computer shop natutong maghanap ng iba pang naihahandog ng internet. Nu’ng araw daw kasing ‘yon, nagloko ang connection nila sa bahay. Dahil sa ingay ng atungal n’ya at ‘di na s’ya makapaghintay na puntahan ang mga paborito n’yang sites, natorete ang mommy n’ya at binigyan na lang s’ya ng pera nito para magpunta na lamang sa internet shop.

Nagkataon namang ang internet shop na malapit sa bahay nila ay pugad ng mga teenager na mahilig pumunta sa mga porn sites. Nakita raw n’yang nagkukumpulan sa computer server ang mga limang teenager. ‘Di raw s’ya nakatiis at nakiusyoso sa tinitingnan ng mga ito. Nagkunwari raw s’yang may itatanong lamang.

Napansin ng mga teenager ang pagkagulat ni Jonas sa nakita sa monitor ng computer. Akala n’ya’y magagalit ang mga ito. “O, ‘tong bata gusto nang magbinata!” Ang sabi ng isa at nagtawanan na raw ang lahat.

Noon s’ya unang nakakita ng hitsura ng babae at lalakIng hubad. “Gano’n pala,” naisip ni Jonas nang nakanganga.

Nagpaturo s’ya sa mga teenager kung paano pumunta sa mga ganoong klaseng site. Kahit na nabalik na sa pagiging normal ang kanilang internet connection, nagdadahilan si Jonas sa mommy n’ya para ro’n sa computer shop mag-internet.

“E, kasi naglalaro ako ro’n ng DOTA,” pagdadahilan n’ya sa mommy n’ya.

Sinama ako ni Jonas sa nasabing computer shop. Kilala s’ya ng mga nagbabantay ro’n. “O, si Jonas may dalang recruit,” ang sabi pa nila.
Ipinakilala ako ni Jonas sa kanila bilang kumpare n’ya. “At may kumpare ka na ngayon, ha?” Panloloko nila kay Jonas.

“Paborito naming estudyante rito si Jonas,” ang sabi naman nila sa akin. “Kaya ‘pag naging suki ka na namin dito, dadami rin ang matututunan mo,” dugtong pa nila at sinundan ito ng tawanan.

Sa dulong mukhang cubicle kami dinala ng mga teenager. “Dito ang esk’welahan ni Jonas,” sabi ng isang teenager.

Binuksan nila ang computer.

(Itutuloy)

ni Sandi Lirio
Para sa reaksyon/suhestyon: email lamang sa [email protected] o itext sa 09298149103

Previous article“‘Di nagpa-abort si Angelica!” – Derek Ramsay
Next articleJohn Lloyd leaves for New York to shoot movie with Mayor V and Luis

No posts to display