Nova Villa, nagbuyangyang ng dibdib sa sobrang inis

Nova-VillaTRIVIA: KASAMA sa mermaid soap ng GMA si Nova Villa who slipped into the rubber costume herself noong gumanap bilang Dyesebel si Alma Moreno during the 80s (pasensiya na, pero ang tumatak kasi sa aming isipan among those who played the mermaid role ay walang iba kundi si Vilma Santos).

Before each take, once in their sirena costume, natural ay kailangang buhatin ang mga gumaganap na mermaid to the sea. The sirena players were covered from waist up kaya hindi sumusungaw ang kanilang mga dede.

Pero sa kaso raw ni Tita Nova, nagtataka raw siya kung bakit nilalalampas-lampasan lang siya ng mga kalalakihan sa set who refused to carry her. Sa isip-isip, maganda rin naman siya. ‘Yun nga lang, kumpara sa bidang si Alma, the latter was much younger.

Sa inis daw ni Tita Nova sa mga manhid na lalaki, buong ningning daw niyang tinanggal ang balabal sa kanyang katawan, “O, ‘eto ba ang habol n’yo?!” exposing her breasts in broad daylight.

 

ANOTHER TENSION-FILLED yet fun episode awaits the TV junkies of Picture! Picture! out there this Saturday.

Last Saturday, Kapuso child star Hershey Garcia (of Kambal Sirena) made it to the jackpot round, sadly, nahirapan ang bagets na i-identify kung sinu-sinong national heroes ang nasa mga larawan. Anyway, Hershey became P110,000 richer.

Sa darating na Sabado, sino kaya kina Julian Trono, Ruru Madrid, Sabrina Mann at Thea Tolentino ang papalaring makarating sa kalahating milyong pisong jackpot round?

Remember that all players have to hurdle three kickout questions, kung saan unahan lang sa pagsagot sa ipa-flash na photo ang basehan.  And whoever gets the correct answer, he or she has the advantage to boot out any of his/her co-players.

The more exciting part kasi sa round na ito ay tila may “sumbatan” among the contestants who jolt the conscience ng siyang mamimili ng kanyang ititira o ililigwak throughout the game.

So, don’t miss this Saturday’s episode of Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Nova Villa, nagbuyangyang ng dibdib sa sobrang inis

  1. Pingback: Nova Villa, nagbuyangyang ng dibdib sa sobrang inis - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.