Notoryus na Kriminal, Itinumba ng Partisano

DAHIL SA napakaraming reklamo ng mamamayan, iginawad ng Partisano ang parusang kamatayan sa notoryus na kriminal na si Macky Ramirez ng Malabon.

Ayon sa kalatas na natanggap ng pahayagang ito mula sa Armadong Operatiba ng Marxista-Leninista ng Pilipinas (Partisano), matagal nang nagtutulak ng ipinagbabawal na droga si Ramirez, kung saan marami nang mga kabataan at nakatatanda ang nalulong sa Shabu dahil sa kanya.

Matagal na ring inire-reklamo ng mga magulang ng mga kabataan na ang kanilang mga anak ay biktima ni Macky, subalit dahil sa koneksyon nito ay malaya itong nakapagsasagawa ng mga iligal na aktibidad.

Umabot na rin umano sa mga kapalit na syudad ng Malabon ang pagtutulak ng ipinagbabawal na droga ni Macky.

Bukod pa rito, sinabi rin sa kalatas na napakarami na ring sumbong laban kay Macky na sila ay biktima nito ng panghoholdap. Isa na rito ang anak ng isang lider-maralita na taga-Catmon.

Bukod sa pagtutulak ng Shabu at panghoholdap, pinasok na rin umano ni Macky ang pagiging isang “gun for hire”. Isa umano sa mga biktima niya kamakailan lamang ang isang manggagawa ng Market 3 ng Navotas at ang napi-pintong pagpatay sa isang opisyal ng barangay ng CAMANAVA.

Sinabi sa kalatas na hindi dapat kinukunsiti ng kanhit na sino mang indibidwal o grupo ang gantiong mga iligal na gawain ni Macky.

“Ang ganitong gawain ni ‘Macky Ramirez’ ay hindi kailanman palalampasin ng Partisano. Ang patuloy na pambibiktima, pang-aapi at pananakot lalo na ang pagpatay sa mga ordinar-yong tao ay isang mala-king kasalanan.” Saad pa sa kalatas.

Nagbabala pa ang Partisano sa sinumang katulad o tutulad sa mga iligal na gawain ni Macky.

“Ang PARTISANO ay mananatiling nakamasid sa inyong mga aktibidad at hindi kami mag-aatubili  na gawaran din kayo ng parusang  Capital Punishment.”

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.