Notoryus na Drug Pusher sa Pangasinan, Tiklo

 

TIKLO ANG isang babae matapos ang isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Nakilala ang suspek na si Mary Grace Cantera, residente sa nasabing bayan.

Ayon sa PDEA, palipat-lipat ng tirahan ang salarin kasama ang kanyang live-in partners na si alyas Bubot at alyas Lapang.

Naaktuhan ang mga ito na gumagamit ng Shabu ngunit nakatakas ang ka-live-in ng suspek na si Bubot at  Lapang.

Nakumpiska sa mga salarin ang isang sachet ng Shabu at cal. 22 na baril, granada at isang dosenang bala.

Ayon sa PDEA ibinebenta nila ang kanilang mga baril para makabili ng droga.

Notoryus din daw ang mga suspek sa bentahan ng Shabu, patunay na rito ang nakumpiskang electronic na timbangan.

Sa ngayon, ang nahuling suspek ay nasa kustodiya na ng PDEA habang pinaghahanap pa ang dalawang kasama nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.