Notoryus na drug pusher at 2 kasamahan sa CamNorte, kinasuhan na

NAGA CITY – SINAMPAHAN na ng kaso ang notoryus na drug pusher na nahuli sa lalawigan ng Camarines Norte.

Paglabag sa RA 9165 at maraming iba pa ang kasong isinampa kay Arnold Baylon Zantua ng Zone 3 Hollywood St., Purok 7, Brgy. Singko, Daet, Camarines Norte, ayon kay PO2 Carlos Gales ng PNP-Daet.

Maliban kay Zantua, kinasuhan na rin ang mga kasabwat nitong sina Illuminado Zantua at Dina Zantua ng parehong lugar.

Magugunita na noong nakaraang Huwebes ay nahulog sa kamay ng mga kinauukulan ang naturang mga suspek, kung saan nasamsam sa kanila ang iba’t ibang klase ng armas, perang nagkakahalaga ng mahigit tatlong daang piso at 20 gramo ng shabu.

Sa ngayon, nananatili ang mga itong nakakulong sa Daet Municipal Police Station. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.