Notorious na Holdaper, Sakote

NASAKOTE NA ang notorious na holdaper nang mambiktima ng dalaga sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Michael Menzorado, alyas Michael Baba, 21, ng Martinez St., Gen. T. De Leon ng lungsod habang nakapuga ang kasamang si alyas Christian.

Sa ulat, alas-9 ng gabi nang holdapin ng mga suspek si Florie Ann Doma, 29, sa De Gula St., Gen. T. De Leon.

Kinuha ng mga suspek ang Samsung Galaxy ng biktima bago nagsitakas habang nagsumbong naman sa mga tanod ang dalaga.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip si Menzorado at nakuhanan ng bayoneta habang hindi na nabawi ang cellphone ni Doma.

Lumalabas na may tatlong kaso ng panghoholdap si Menzorado sa Quezon City, kung saan isa sa mga biktima ay hinalay pa.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.