NOTORIOUS DRUG PUSHER, NATIKLO

Nueva Ecija – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sec.5,15 Article ll ng Republic Act 9165 ang isang tricycle driver makaraang madakip ito sa inilunsad na buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa Brgy. Pambuan, Gapan City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Gapan City Police Station kay P/SSupt.Robert Aliggayu, PNP Provincial Director, nakilala ang nadakip na suspek na si  Denis Garcia Y Diaz, 27, tricycle driver, at residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Francisco Sudlo, matagal nang sinusubaybayan ng mga otoridad ang suspek kung saan modus operandi ng suspek ang pagmamaneho ng motorsiklo.

Nakuha mula sa suspek ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “NOTORIOUS DRUG PUSHER, NATIKLO

  1. Lumang tugtugin nayan.

    Please lang, bakit yong productio o factory hindi nakikita, always na lang mga pusher, user. Nasaan ang factory. Kay Mayor, Governor ba?

    Minsan may nahuhuling factory, tapos ihaharap sa media, mga pure chinese kuno na hindi daw marunong magenglish. Mga dummy sila na mga illegal aliens sa china town. Tapos, mawawala na sa balita,

    Years ago, remember ang alki ng factory ng shabu sa Lipa Batangas, sa Cavite? Nakitang shabu sa Davao, sa Cebu(angkan pa ng noted politics involved).. E anong nangyari na don??wala..as in walaaaa.

    hay naku..kaya Pilipinas ang kawawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.